ABS-CBN conducted a poll in its website to get the pulse of the Filipino viewers as to whom they would wish to play the Pinoy Armando.

The following were the choices:

Si Bea na si Betty! Sino si Armando?

Si Bea Alonzo na ang napili ng ABS-CBN na gumanap sa title role ng Filipino version ng internationally franchised hit show na Betty La Fea. Pero palaisipan pa rin sa marami kung sino ang gaganap bilang Armando Mendoza, ang boss at love interest ni Betty. Iilang gwapong at magagaling na aktor na rin ang pinaguusapan kung sino ang babagay sa role na ito. Kung kayo ang tatanungin, sino ang gusto niyong maging leading man ni Bea.

Sino sa kanila?

Aga

Aga Muhlach – Ilang mas nakakabatang leading ladies na rin ang naging kapareha ni Aga, tulad nina Claudine Barretto, Kristine Hermosa, at Angelica Panganiban. Ang huli nga ay si Anne Curtis sa box-office hit movie na When Love Begins. Si Bea na ba ang dapat na sumunod na mai-partner kay Aga?

Diether

Diether Ocampo – Matapos ang ilang matagumpay na teleserye ay napatunayan na ni Diether ang kanyang husay sa pag-arte. Nakapareha na rin ng hunk actor si Bea sa isang madramang episode ng Maalaala Mo Kaya. Panahon na kaya para magtambal ang dalawa sa isang teleserye.

Jake

Jake Cuenca – Katatapos lang ng Palos kung saan si Jake ang isa sa mga bida at kung saan nakapareha niya ang ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo. Naging leading man din si Jake ni KC Concepcion sa isang episode ng I Am KC. Si Jake na nga ba ang hinihintay na maging bagong kapareha ni Bea?

JohnLloyd

John Lloyd Cruz – Makailang ulit nang nagtagumpay ang John Lloyd-Bea loveteam, sa TV man o sa pelikula. Huling nagkasama ang dalawa sa teleserye na Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik. Mukhang marami pa ring fans ang gustong si John Lloyd pa rin ang makapareha ni Bea sa Betty La Fea.

Jon

Jon Avila – Pinakilig niya ang marami nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya noong PBB Celebrity Edition 2. Naipareha din siya kay Bea sa Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik. Bukod sa pagiging Cover Boy, si Jon na ngayon ang nagbibigay buhay sa superhero character na si Kapitan Boom.

Luis

Luis Manzano – Bukod sa hosting ay nakitaan din ng galing sa pag-arte ang anak ni Governor Vilma Santos. Nag-bida si Luis sa mga teleseryeng Crazy For You kasama si Toni Gonzaga at sa Rounin katambal si Angelica Panganiban. Anong klaseng “spark” kaya ang maari nating mapanood sa posibleng Luis-Bea tandem?

Piolo

Piolo Pascual – Si “Papa P” na yata ang most sought-after leading man ngayon. Pangarap ng bawat batang aktres na makatrabaho si Piolo, at natupad ito ni Bea nang i-pair sila sa pelikulang Dreamboy. Mula sa pakikipag-ibigan sa isang Lobo ay handa na kaya si Piolo na mahalin ang isang Betty?

Sam

Sam Milby – Sa Maging Sino Ka Man ay kay Bea unang pinareha si Sam bago pa kay Anne Curtis. Panahon na kaya para matuloy na ang tambalang Sam-Bea.

Zanjoe

Zanjoe Marudo – Isa si Zanjoe sa mga tinitiliang hunk actor sa showbiz ngayon. Siya ang naging ka-love triangle nina Toni Gonzaga at Sam Milby sa pelikulang You Got Me. Nachichismis din si Zanjoe sa uber pretty host na si Mariel Rodriguez. Handa na kaya si Zanjoe na maipareha sa iba pang leading lady?

Gabby

Gabby Concepcion – Mula nang magbalik-Pilipinas ang ‘80s matinee idol ay binalot na ng “Gabby-mania” ang buong sambayanan. Hindi naman inda ng karamihan ang edad ng premiere actor-leading man dahil sa walang-kupas na kagwapuhan ni Gabby ay pwede pa rin siyang i-partner sa younger leading ladies tulad ni Bea.