Rhian Ramos “borrows” JC de Vera from Yasmien Kurdi for her new TV show “La Lola”

NonieV. Nicasio

Image Hosted by ImageShack.us

Aminado si Rhian Ramos na matindi ang nararamdaman niyang pressure para sa forthcoming TV program na La Lola. Maituturing kasing isa ito sa biggest project ng dalaga.

Gayunpaman, sinabi niyang naniniwala siyang talagang tailor-made para sa kanya ang gagampanang kakaibang role dito.

“Sa totoo lang po, nakapalaki talaga ng pressure sa akin. Pero at the same time naman, noong nalaman ko kung ano yung proyekto, noong nagawa ko pa lang bale iyong teaser, sa tingin ko ay ito na talaga iyong role na babagay sa akin. Ito talaga iyong role na swak sa akin dahil light-comedy ito na kakaiba talaga,” panimulang pahayag ng tisay na young star sa PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos niyang tumanggap ng tropeyo ng award na Breakthrough Performance by an Actress sa ginanap na 5th Golden Screen Awards ng EnPress sa Zirkoh Greenhills last Tuesday night, ika-24 ng Hunyo, 2008.

MAN TURNED TO A WOMAN. Nagkuwento pa si Rhian ng background ng bago niyang TV show sa GMA-7.

“Ito pong LaLola, isa siyang Argentinian soap opera na may isang lalaking sobrang babaero, and yung ex-girlfriend niya na banas na banas sa kanya ay pinakulam siya. Kaya isang araw, nagising na lang siya na isang babae na, at ako iyon,” nakangiting esplika ni Rhian.

“Hindi tomboy, ha. Parang mula sa, originally sa pagiging lalaki, naging babae ako,” paglilinaw pa niya. “So, parang physically ay babae ako, pero sa loob ay lalaki. Kasi lumaki akong lalaki. I was born a boy, ‘tapos one day, nagising na lang nga ako, nakita ko ang sarili ko sa salamin na babae na.

“Si JC [de Vera] naman, hindi siya yung lalaking version ko. Siya, actually, yung manliligaw sa akin.”

HAPPY WORKING WITH JC. So, ano ang masasabi niya sa bagong ka-love team na si JC?

“E di masaya,” nakatawang wika niya. “I mean, siyempre lagi naman akong masaya kapag may bagong project at may bagong makakatrabaho. Pero actually, nakatrabaho ko na siya before sa Captain Barbell at sa Ouija.

“Okey naman kami working together, pero sa tingin ko, we’re gonna be spending a lot more time together, which is no problem siyempre. Ngayon nga, I’m excited na about the project, e.”

A YASMIEN-JC FAN. Ano naman kaya ang masasabi niya sa fans nina Yasmien Kurdi at JC na nag-aalalang tuluyan nang mawala ang love team ng kanilang mga idolo dahil sa kanya?

“Ako po, hindi ako nakikipag-compete. I mean, kahit naman ako, fan ng JC-Yasmien tandem. Maganda naman kasi talaga ang chemistry nila, e. Pero, ako siyempre, kung binigyan ako ng project ng GMA, sino ba ako para tumanggi, hindi ba?

“Management naman ang nag-decide riyan at siguro, para na rin kay JC. Kung binigyan siya ng project na ito, hindi naman din niya iyon matatanggihan, e, ‘di ba?”

BORROWING JC. Sa tingin ba niya ay nag-e-experiment ang GMA-7 sa pagpapareha sa kanila ni JC?

“Siyempre lahat naman ng season, gusto nilang ipakita sa viewers nila na laging may bago at hindi iyong pare-pareho lang lagi. Hindi rin naman kasi puwede iyong ganoon, hindi ba?

“So, siguro ay ito lang yung parang break-time nila [Yas-JC tandem]. Kumbaga, naka-break lang sila, and I’m sure naman na babalik ulit ang love team nila.”

Idinagdag pa niyang temporary lang ito at “hihiramin” lang muna niya ang aktor sa fans nina Yas at JC.

“Of course, hindi naman ibig sabihin nito ay kami na ang magka-love team forever. Parang hiram lang, dito lang yun, para sa project na ito lang bale iyon. At saka hindi ito masasabing solid na pair, e. Kasi nga, lalaki naman talaga ako rito sa La Lola. Hindi ba, parang weird nga kung lalaki sa lalaki, ‘di ba?

ASSURING THE FANS. “So, hindi nga puwedeng maging solid na pair kami rito ni JC, kaya hindi dapat matakot ang mga JC-Yasmien fans because very successful naman talaga ang JC-Yasmien pair, e.

“Hindi ba may movie pa nga sila? Kaya hindi ako magiging sagabal doon at hindi ko sisirain ang love team nila.

“Sa totoo lang, ang lakas talaga ng chemistry nila. Kakaiba at masarap silang panoorin. Ang gagaling nilang magdrama, e. Kaya ako, kahit naman ako, ayokong sirain ang ganoong klaseng kalakas na chemistry,” pagtatapos ng tisay na aktres.

Image Hosted by ImageShack.us